-- Advertisements --
banac 1
PCol Banac

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi na mauulit pa ang nangyaring kaso ng mistaken identity nang arestuhin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-9 ang journalist na si Margarita Valle.

Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Bernard Banac, may mga leksyon silang natutunan kaugnay sa ginawang maling pagdakip kay Valle.

“Definitely marami po tayong natutunan na lessons dito. Ang kailangang gawin ay due diligence sa ating pagganap sa tungkulin,” pahayag ni Banac.

Aminado rin si Banac may kakulangan sa technological capability ang PNP para i-verify ang identities ng mga suspek.

Dagdag pa ni Banac, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa kaso ni Valle.

Aniya, kapag napatunayang may lapses ang mga pulis, tiyak na mananagot ang mga ito.

Humingi na rin ng paumanhin ang CIDG-9 kay Valle.

Sa ngayon hindi pa sinisibak sa kaniyang pwesto si CIDG-9 director PCol. Tom Tuzon.