-- Advertisements --

Tiniyak ng Pambansang Pulisya na kanilang  arestuhin ang mga sinumang mga rallyista na lalabag sa batas.

Ito ang tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Director Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na may mga mobile jails silang idedeploy para dito ikukulong ang sinumang lalabag sa batas.

Aniya, ang mga miyembro ng CDM ay hindi armado, pero may mga police personnel din nakastandby sakaling may mangugulo.

Aminado si Albayalde na posibleng magiging mainit sa rally ang militanteng grupo kasunod ng pagkansela ng Pangulong Rodrigo Duterte ang back channel talks sa CPP NPA NDF.

Binigyang-diin ng heneral na mahigpit nilang ipapatupad ang maximum tolerance laban sa mga rallytista.

Ayon kay Albayalde higit 6,300 na mga pulis ang kanilang idedeploy,partikular ang mga miyembro ng PNP Crowd Disperal Management team (CDM)na siyang magbabantay sa mga rallyista.

Tinatayang nasa 12,000 hanggang 15,000 na mga rallyista ang magtipon tipon bukas.

Bukas, alas-4:00 ng madaling araw sisimulan na ng NCRPO ang kanilang deployment.