-- Advertisements --

Tiniyak ng PNP na mananagot ang rebeldeng grupo na responsable sa pananambang sa mga pulis kahapon.

Ayon kay S/Supt. Samuel Gadingan, provincial police director ng Davao Del Sur na kanila ng tinutukoy ang mga grupo ng nanambang sa mga pulis at kanila ito sasampahan ng kaso.

May isinagawa ng hot pursuit operations ang AFP kasama ang PNP laban sa mga suspek.

Lalo pang pinalakas ngayon ng Pambansang Pulisya ang kanilang defensive action sa lahat ng mga istasyon ng pulisya partikular sa mga lugar na kilalang NPA infested areas ibig sabihin mga lugar na may mga presensiya ng komunistang grupo.

Ayon kay PNP spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na simula ng tinigil ang usaping pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF, kaagad nagpatupad ng security adjustments ang PNP sa lahat ng mga regional police headquarters, provincial at municipal police stations.

Layon nito para maiwasan ang anumang pag-atake na gagawin ng rebeldeng New Peoples Army.

Sinabi ni Carlos na kung totoo ang komunistang grupo sa kanilang intensiyon na pagsusulong ng kapayapaan sana ipakita ng mga ito ang sinseridad.

Hindi dapat maglunsad ng anumang pag-atake at huwag nilang tambangan ang mga pulis na rumisponde sa isang krimen at ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Mariiing kinondena ng PNP ang brutal na pagpatay sa apat na mga pulis sa Bansalan, Davao del Sur.

Pahayag ni Carlos, na ang pananambang sa mga pulis kahapon ay isang nakakalungkot na insidente.