Tiniyak ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) na mayroong mananagot sa naganap na mis-encounter kagabi sa Mandaluyong City kung saan dalawa ang nasawi habang dalawa ang sugatan.
Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director, PCSupt. Reynaldo Biay na ongoing na ang imbestigasyon laban sa mga pulis kasama ang ilang barangay tanod na sangkot sa madugong insidente.
Sa naturang insidente, pinagbabaril ng mga pulis ang isang Mitsubishi Adventure na sakay ang isang biktima ng pamamaril na si Joana Amboa na dadalhin sana sa ospital.
Ito’y matapos na mapagkamalan ang sasakyan na get-away vehicle ng mga bumaril kay Joanna,
dahil umano sa maling impormasyon na ipinaabot ng mga barangay tanod sa mga pulis.
Sinabi ni Biay na mananagot ang mga pulis sa sandaling mapatunayan na may pagkakamali sa kanilang panig.