-- Advertisements --
Tiniyak ng PNP na patuloy ang kanilang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Mindanao.
Ito ay para maiwasan ang posibleng pag-spillover sa nagaganap na kaguluhan sa Afghanistan.
Sinabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na hindi malayong maimpluwensiyahan ng mga lokal na terorist groups ang Taliban at gayahin ang ginawa sa Afghanistan.
Dagdag pa ng PNP chief na patuloy ang koordinasyon nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing lugar.
Dahil sa pinaigting ng koordinasyon ng PNP at AFP ay malayong makakapaghasik pa ng lagim ang mga local terrorist groups.