-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na walang anomalya o maling paggamit sa anti-insurgency funds na ipinagkaloob sa kanila dahil ang paggastos sa nasabing pondo ay batay sa rules and guidelines ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, gagamitin nila ang nasabing pondo para sa kapakanan ng mga kababayan natin na nasa mga far-flung areas lalo na sa kilalang mga NPA infested areas.

Siniguro naman ni LtGen. Vera Cruz na “intact” ang pondo at walang irregularidad dito.

Una ng pinuna ng Commission on Audit (COA) ang PNP hinggil sa low disbursement ng pondo para sa anti-insurgency projects kung saan nasa P86.57 million lamang ang nagastos ng PNP mula sa kabuuaang pondo na na release ng DBM nuong October 26,2020 na nagkakahalaga ng P722.85 million.

“The unutilized ELCAC funds in 2020 uulitin ko lang po wala po anomalya, irregularidad dahil ang pondo ng P723 million na release October 2020 hindi po kakayanin mahigit dalawang buwan magamit ang pondo dahil marami tayo sinusunod na rules and regulation from Commission on Audit. Sa amin po coordination with DBM eto ay continuing appropriations kaya ito up to December 2021 para gamitin ang pondo ito assurance po ng ating Chief PNP (Gen. Guillermo Eleazar) walang single centavo na mawawala ito ay gagamitin ipatupad ang aming role sa NTF ELCAC,” pahayag ni Vera Cruz sa virtual presscon ng NTF ELCAC.

Siniguro naman ng Heneral na gagampanan ng PNP ang kanilang mandato para tapusin na ang higit limang dekadang problema sa insurgency.

“Matatandaan niyo late 80s and early 90s kami pa ay mga teniyente kami po ay may sinusunod na strategy special operations team, clear consolidate and develop kaya lang yung mga panahon na yun matapos namin maclear ang isang barangay pagkatapos namin maka establish ng detachment to ensure the security for the residents pagdating po sa consolidation and development talaga naman walang maibigay na kaukulang pondo ang ating ibat ibang ahensiya ng ating gobyerno upang masolusyunan ang mga problema ng mga residente na nanganganib sa barangay na clear namin at nakapag establish ng aming presence,” wika ni Vera Cruz.

Ayon sa Heneral malaking tulong ang NTF ELCAC EO 70 para tugunan ang problema sa communist insurgency para tuluyan ng mapabuti ang ekonomiya at makamit na ang kaunlaran sa bansa.