-- Advertisements --

Mariin din tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y “Red October” plot na naglalayong patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte

Una nang ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasabing banta.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, may natatanggap din umano silang impormasyon kaugnay sa alyansa ng makakaliwang grupo sa pangunguna ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at iba pang organisasyon.

Sinabi ni Albayalde na wala siyang natatanggap na impormasyon na may mga aktibong pulis na kabilang sa grupo na nasa likod ng “Red October.”

Aniya, kung may mga pulis man na kasapi sa Tindig Pilipinas group, ito ay maaaring mga retirado nang PNP officers.

“Marami na yan. Nag-umpisa sa Black friday, persistent ang intelligence information that there are alleged, these are raw information itong mga nakukuha natin,” wika ni PNP chief.