-- Advertisements --

Natukoy na ng Philippine National Police ang may ari ng tiktok account na nagbanta sa buhay ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos isinagawang press conference sa Camp Crame.

Bagaman nakilala na, hindi naman pinangalanan ni Carlos ang taong nasa likod nito habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Paliwanag ni PNP Chief, nagsasagawa pa rin ang PNP ng digital trail para sa pagsasampa ng kaso at para sa paglalabas ng warrant of arrest.

Samantala, sinabi naman ni Carlos na maliban kay Marcos ay wala pa silang reklamo na natatanggap mula sa ibang kandidato na sila rin ay may death threat.