-- Advertisements --

oxygen2

Tinanggap ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang nasa P300,000.00 halaga ng bagong “oxygen equipment” na isinagawa kahapon sa isang simpleng turnover Ceremony sa Camp Crame.


Ang donasyon na mula sa Great Heart Charity Association at MAIMAI Info Tech, Inc., ay tulong sa PNP General Hospital (PNPGH) para mas mapagserbisyohan ang mga tauhan ng PNP at kanilang mga dependents.

Nagpasalamat si Gen. Carlos sa donasyon na binubuo ng 10 Unit ng XNUO M9 Oxygen Concentrators, kasabay ng pagsabi na malaking tulong ang mga kagamitan sa laban kontra sa Covid 19.

Ang oxygen equipment ay agad na ipinamahagi sa iba’t ibang wards ng PNPGH kung saan kinakailangan ito ng mga pasyente.