Hindi pabor ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na isailalim ang kanilang puwersa sa full control ng chief minister ng bubuuing Bangsamoro entity sa ilalim ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay PNP Chief police director. Gen. Oscar Albayalde, hindi sila sang-ayon na malagay sa kontrol ang kanilang mga pulis sa chief minister na madedestino sa mga Bangsamoro area.
Nais aniya nila kasama ang Armed Forces of the Philippines, na maging kontrolado pa rin ng dalawang organisasyon ang kani-kanilang mga pulis at sundalo.
Payahag ni Albayalde na plano ng PNP na bumuo ng panibagong police regional office na mangangalaga sa peace and order sa mga Bangsamoro area.
Iniiwasan kasi ng PNP na ma-politicized ang kanilang mga tauhan.
Maging ang operasyon at recruitment ng mga pulis na madedestino sa Bangsamoro areas, ay ang liderato pa rin ng PNP ang magpoproseso.
Aminado si Albayalde na kanilang ikinakatakot na posibleng maging isang malaking private armed groups ang mga pulis at sundalo ng mga opisyal na mamumuno sa Bangsamoro teritory.