-- Advertisements --

Inatasan ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na maglunsad din ng operasyon upang mahanap ang isang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pinaniniwalaang dinukot.

Una nang gumawa ng task force ang PDEA upang matutukan ang paghahanap kay agent Merton Fesway.

Ayon kay Eleazar, magkasangga ang dalawang organisasyon laban sa mga sindikato ng droga at anumang pag-atake laban sa kahit isang miyembro ng PDEA ay itinituring na ring pag-atake sa PNP.

Si Fesway ay nakatalaga sa PDEA Regional Office III Pampanga Provincial Office at naiulat na hindi na makita mula noong Hunyo 25.

Makikipagkita sana ang agent sa isang confidential informant bago siya nawala.

Nanawagan naman ang chief PNP sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad sakaling may impormasyon sa pagkawala ng PDEA agent.