-- Advertisements --

Tutulungan ng PNP ang Department of Trade and industry sa pag-pagpatupad ng price freeze ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly.


Paliwanag ni PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan, alinsunod sa Republic Act 7581 or the Price Act of the Philippines, awtomatikong ipinatutupad ang price freeze sa mga lugar na isasailalim sa State of Calamity.

Bukod aniya sa mga Basic at prime commodities, saklaw din ng batas ang mga produktong nireregulate ng Department of Agricukture tulad at Department of Health tulad ng bigas, asukal, poultry products, dairy products, mantika, cooking fuel, gamot, at medical supplies.

Samantala, tiniyak ni Cascolan sa mga PNP Units sa mga dinaan ng bagyo na nagtamo ng pinsala sa kanilang mga istasyon, na makakaasa sila ng agarang tulong sa National Headquarters para mapanumbalik ang kanilang normal na operasyon.