-- Advertisements --

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang Food and Drug Administration (FDA) na i-monitor ang ilegal na pagbebenta ng Covid 19 vaccines sa merkado.


Ito ang pagtiyak ni PNP Spokesperson PBGen. Ildebrandi Usana matapos humingi ng saklolo ang FDA sa gitna ng mga ulat na may mga nag-aalok umano ng Covid 19 vaccines sa publiko na umano’y May “Emergency use Authorization” (EUA).

Sa isang advisory, nilinaw ng FDA, Department of Health at National Task Force against Covid 19, na ang EUA ay hindi permiso na ibenta ang bakuna sa merkado at ang sinumang gumawa nito ay lumalabag sa batas.

Nakasaad din sa advisory na ang Covid 19 vaccine ay maari Lang gamitin alinsunod sa umiiral na “Covid 19 vaccination prioritization framework”, na ang ibig sabihin ay hindi maaring ibenta ang gamot sa mga may pambili ngunit hindi kasama sa priority list.

Una nang sinabi ng PNP na sisiguraduhin nila na ang bakuna ay makakarating sa dapat na makatanggap, alinsunod sa iniatas sa kanilang trabaho sa National Vaccination Plan.

Sinabi ni Usana na kung meron mang kumakalat na ilegal na supply ng bakuna, sisiguraduhin ng PNP na hindi mabibiktima ang mga mamayan sa maling pag-gamit ng bakuna.