-- Advertisements --

Nanawagan ng kahinahunan ang Philippine National Police (PNP) sa mga tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ang apela ay kasunod ng pagmamatigas ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao na papasukin sa kanilang compound ang mga pulis na magsisilbi lang sana ng search warrant.

Giit ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ginagampanan lamang ng pulisya ang kanilang tungkulin at hindi ito dapat na mauwi sa tensyonadong sitwasyon.

Kaugnay nito, nanawagan si Fajardo sa mga taga-suporta ng Pastor na hayaan silang gampanan ang tungkulin at kung may anumang reklamo ay idulog ito sa tamang tanggapan na nakakasakop sa kanilang hanay.

Ang paghahanap kay Quibuloy ay kaugnay ng kinakaharap nitong kaso na may kinalaman sa sexual abuse at human trafficking.