Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang vaccination roll-out sa mga island provinces nationwide.
Layon nito para mabakunahan na rin ng Covid-19 vaccine ang mga police personnel na naka destino sa mga malalayo at mga islang probinsiya.
Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, puspusan ang vaccination para sa kanilang mga personnel sa ibat-ibang regional police offices sa buong bansa.
Sinabi ni Lt.Gen. Vera Cruz, kabilang ang mga island provinces sa mabibigyan na rin ng vaccine allocation.
Una ng inihayag ng Heneral na mayruong 200,000 doses AstraZeneca vaccine ang ibinigay ng Department of Health (DOH) para sa PNP.
” Yes Anne continuing naman ang vaccination kaya bumababa yung bilang ng mga unvaccinated namin. Mga Regional Medical and Dental Units ng Health Service ang in close coordination with DOH in the regions para sa administration ng 200K doses na ito,” mensahe ni Lt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Batay sa datos ng PNP Health Service nasa 79,194 0 43.59% na sa kanilang mga personnel sa mga Police Regional Offices (PRO) ang fully vaccinated ng Covid-19 vaccine.
Habang nasa 82,779 o 45.56% na ang nakatanggap ng first dose at nasa 17,168 o 9.45% sa mga personnel ang ayaw pa rin magpabakuna.
Gayunpaman, tiwala ang pamunuan ng PNP na makukumbinsi rin ang mga ito na magpabakuna na rin para sa kanilang proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.
Sa Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) kung saan matatagpuan ang mga tinaguriang conflict areas nasa 3,961 personnel o 47.54% na ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine.
” Yung mga island provinces Anne kasama na sila sa 200K doses sa regions na pina fast track ng mga RMDUs,” wika ni Vera Cruz.
Ayon naman sa Heneral, ang Regional Medical and Dental Units ng mga Police Regional Offices ang siyang nagdi-determina sa mga lugar na mabigyan ng vaccine allocation.
” Take charge na ang mga RDMUs sa mga island provinces na sakop ng PRO nila. In case may kulang, the HS will support in case may excess pa sa allocation ng NHQ,” dagdag pa ni Lt. Gen. Vera Cruz.
Samantala, ayon naman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar nasa mahigit 90%na sa kabuuang 220,000 PNP personnel.
Sinabi ni Eleazar nasa 96,455 o nasa 43.28% ang fully vaccinated habang 105,031 o 47.13% ang naghihintay ng kanilang second dose.
Sa ngayon nasa 21,371 o 9.59% sa kanilang mga personnel ang ayaw pa rin magpa bakuna.