-- Advertisements --

“Mali ang naging pagkakaintindi ni Vice President Leni Robredo sa statistics na kaniyang kinuha sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG).”

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) officer in charge Lt. Gen. Archie Gamboa matapos sabihin ng pangalawang pangulo na “massive failure” ang drug war ng gobyerno.

Ayon kay Gamboa ang figure ng PDEG kung saan binase ni VP Leni ang kaniyang computation ay estimate lamang. Ibig sabihin isa itong theoritical assumption.

Kaya marii umanong pinasinungalingan ng PNP ang assessment ng vice president.

“Kasi ang ginawa niya quinote niya yung PDEG that there are 3 tons consumption per week for the drug problem in the Philippines and inequate niya ito doon sa drugs recovered. Yung appreciation niya doon sa statistics is wrong. When we said yung 3 million users using 0.15 grams of shabu,” paliwanag ni Gamboa.
Aniya, ang nasabing datos ay estimate lamang ng PNP at hindi ito ang kanilang opisyal na datos.

Depensa ni Gamboa malaki ang disparity sa kanilang datos gayong 100-percent tagumpay ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Patunay dito ang ang mga nalansag na mga shabu laboratory, pagkakapatay sa sa mahigit 5,000 mga drug offenders, at pag aresto sa mga drug personalities kabilang na ang mga high value targets.

Ipinagmamalaki ng PNP na 14 na clandestine laboratories na nag operate sa bansa ang kanilang nabuwag.

Para sa PNP 100 percent tagumpay ang kanilang drug war.

“With all due respect, I beg to disagree with the public relations bombshell of VP Robredo on the national anti-drug campaign as a “massive failure.”