-- Advertisements --
ILOILO CITY – Wala pa natanggap na impormasyon ang Philippine National Police (PNP) tungkol sa narco-list na nakatakdang ilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) bago ang midterm elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office Region 6 (PRO-6), sinabi nitong wala pa silang natanggap na impormasyon galing sa DILG hinggil sa bagong narco-list.
Dagdag pa ni Malong, hindi pa niya alam kung mayroong mga pulitiko sa Western Visayas na kabilang sa listahan.
Posible raw na magsagawa ng press conference ang DILG at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ukol dito.