Nanindigan si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na walang paglabag na ginawa ang PNP sa kanilang Oplan Tokhang campaign.
Aniya, para sa kanila legal at hindi unconstitutional ang Oplan Tokhang.
Binigyang-diin ni PNP chief na ang kanilang mga kritiko lamang ang nagpapalaki sa isyu na masyado lang nilalaro ang mga ginamit na salita sa inilabas nilang memo.
Giit nito hangga’t hindi sinasabi ng Supreme Court na unconstitutional o iligal ang nasabing memo hindi nila ito babaguhin.
Siniguro naman ni Dela Rosa na hindi makikisakay ang PNP sa mga gusto ng kanilang mga kritiko.
Kung maalala, batay sa Senate draft report kaugnay sa mga EJK cases, lumabas na unconstitutional ang Oplan Tokhang.
Pero walang balak si PNP chief na baguhin ang memorandum circular ng PNP double barrel campaign.
Pagbibigay diin ni Dela Rosa na bago nila inilabas ang nasabing memo circular pinag-aralan ito ng mabuti ng PNP at naninindigan sila na walang paglabag sa kanilang kampanya.
Si Dela Rosa ay inaasahang haharap sa Korte Suprema para idepensa ang kinukwestyon na memo ng double barrel.
Siniguro naman ni Dela Rosa na kung ano ang magiging desisyon ng Supreme Court ukol dito ay kanilang rerespetuhin.