-- Advertisements --

Walang naitalang mga untoward incidents ang Philippine National Police (PNP) simula hanggang sa huling araw ng filing of certificate of candidacy para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde, batay sa report na isinumite ng mga regional police commanders payapa ang filing ng COC sa buong bansa.

Wala din naitalang kaguluhan sa mga Comelec offices.

Inihayag naman ni Albayalde na sa susunod na linggp posibleng ilabas na ng PNP ang listahan ng mga election hotspots o election watchlist areas sa buong bansa.

Ngayong araw October 17,2018 ang huling araw ng filing ng COC na nagsimula nuong October 11.

Una ng binanggit ni Albayalde na perrenial election hotspots ang mga lugar sa Abra, Masbate, Lanao, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte.

Nilinaw din nito na ang nabanggit na lugar ay hindi top 5 election hotspots areas.