Wala umanong namo-monitor ang PNP na “credible threat” sa darating na halalan.
Ang pahayag ay ginawa ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, kasabay ng pagsisimula ngayong araw ng pangangampanya ng mga lokal na kandidato sa darating na halalan.
Sinabi ni Fajardo na base sa mga datos ng nakalipas na halalan, sinusubaybayan ng PNP ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Region 12 (Soccskargen) dahil sa presensya ng mga armadong grupo sa naturang mga lugar.
Mino-monitor din aniya ng PNP ang sitwasyon sa Region 8 (Eastern Visayas) dahil sa presensya ng mga teroristang komunista.
Una nang sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na pina-finalize na ng PNP ang listahan ng mga itinuturing nilang election hotspots para isumite sa Commission on Elections.