Walang nakikitang dahilan ang Philippine National Police na bawiin ang suporta at katapatan ng buong hanay ng Pambansang Pulisya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo kasunod pa rin ng naging panawagan ni Davao del Norte rep. Pantaleon Alvarez sa AFP at PNP na talikuran na ang Marcos Jr. administration sa kasagsagan ng inilunsad na rally ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Tagum City kahapon, Abril 14, 2024.
Ayon kay PCol. Fajardo, walang basehan ang naturang mga panawagan Para alisan ng suporta ng kapulisan ang mga opisyal ng pamahalaan na iniluklok ng konstitusyon, at ito aniya ay kanilang iginagalang.
Kaugnay nito ay muling nilinaw ng naturang opisyal na ang katapatan ng PNP ay nasa taumbayan kasabay ng panawagang huwag nang idamay pa ang uniformed personnel sa ganitong uri ng mga isyu ng may kaugnayan sa usaping politikal.