-- Advertisements --

Wala umanong nakikitang indikasyon ang Philippine National Police (PNP) para magdeklara ng nationwide Martial Law si Pangulong Rodrigo Duterte.

May pangamba kasi na baka ideklara ng Pangulo ang nationwide Martial Law kasunod nang ginawa niyang pahayag na magkakaroon ng “radical changes” sa mga susunod na araw.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, ang Armed Forces of the Philippines ang may malaking papel sa pagpapatupad ng Martial Law pero gayunman ay nakahanda ang kanilang pwersa na sumuporta sakaling ideklara ito ng Pangulo.

Bukod sa radical changes, inihayag din ng Pangulo na nais nitong isailalim sa kanyang control ang mga problematic government agencies.

Nagbabala rin ang Pangulo sa lahat ng kriminal, maging nasa gobyerno man o hindi na magdalawang isip at tumigil na sa kanilang maling gawain.