-- Advertisements --

Walang nakikita ang Philippine National Police (PNP) na indikasyon para itaas ang alert status sa gitna ng pagtitipun-tipon ng mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte sa EDSA Shrine.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, nasa 100 katao ang namonitor sa lugar kaninang umaga ngayong Miyerkules, Nobiyembre 27.

Subalit mayroon naman aniyang discretion ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para i-adjust ang alert status bilang tugon sa maaaring mangyari sa lugar.

Sinabi din ng PNP official na sakaling makaapekto sa trapiko ang pagtitipon ng mga supporter sa EDSA Shrine dito na aniya papagitna ang mga kapulisan.