-- Advertisements --

Walang namonitor na anumang mga untoward incidents ang Philippine National Police (PNP) sa paggunita ng ” Labor Day” ngayong araw.


Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, as of 5PM kaninang tanghali walang namonitor na anumang insidente sa mga isinagawang aktibididad ng mga militanteng grupo sa ibat ibang panig ng bansa.

Tumalima naman sa PNP ang ilang labor and transport organizations sa Tondo, Manila, Liwasang Bonifacio at Espana na boluntaryong mag-disperse at itigil na ang kanilang aktibidad.

Batay sa datos ng PNP, nasa 1,850 participants ang kanilang namonitor sa ibat ibang labor day activities sa ibat ibang lugar sa bansa.

Bandang ala-1:00 ng hapon kanina ng mag dispersed ang mga nanguna sa ginawang public assemblies.

Sa panig naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nasa 10,266 na mga peace-keeping personnel ang idineploy para striktong ipatupad ang health protocols sa mga magsasagawa ng kilos protesta.

Pinuri at pinasalamatan ni Sinas ang mga militante at labor groups na tumalima sa panawagan ng PNP.