-- Advertisements --

Walang namonitor ang pambansang pulisya na mga untoward incidents sa ibat ibang
sementryo sa buong bansa.

Ito ay batay sa latest na datos na ipinadala mula sa ibat ibang field units sa National Operations Center sa Camp Crame.

Ayon kay PNP spokesperson CSupt. Dionardo carlos na aktibong mino monitor ng PNP NOC ang mga report mula sa 2,417 Police Assistance hubs sa buong bansa.

Dagdag pa ni Carlos nasa 5,525 pulis naman mula sa ibat ibang regional police offices ang idineploy bilang mga road safety marshals na siyang umaalalay sa mga bumibiyahe patungong probinsiya.

Inihayag din ni Carlos na wala din aniyang mga significant incient na inireport sa mga pangunahing ruta ng mga biyahero.

Naka full alert status naman ngayon ang mga regional police offices sa buong bansa kung saan 100 percent ng kanilang mga pwersa ang naka duty ngayong panahon ng All Saints and Souls Day.

Samantala, personal naman mino-monitor ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa sa pagpapatupad ng “Oplan kaluluwa.”

Sinabi ni Dela Rosa nasa “heightened alert status” naman ang PNP national headquarters kung saan 50 percent ng personnel ay naka standby at nakahanda for deployment.