-- Advertisements --

Todo paalala pa rin ang Philippine National Police (PNP) sa mga estudyante na huwag padadala sa mga panlilinlang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito’y kahit wala raw natanggap na intelligence information ang kanilang hanay kaugnay sa umano’y recruitment ng makakaliwang grupo sa mga kolehiyo at unibersidad sa kalakhang Maynila.

Sinabi ni Durana, maraming buhay na ng mga estudyante ang nasira dahil sa mga panlolokong ginagawa ng CPP-NPA.

Giit pa ng heneral, ang recruitment ng CPP ay matagal nang modus operandi ng komunistang grupo.

Payo naman ni Durana sa mga estudyante na mag-aral nang mabuti dahil para ito sa kanilang kinabukasan.

Maging aware din sa mga nangyayari sa kapaligiran lalo na sa mga social issues ng sa gayon hindi mabiktima ng panlilinlang.