Magpapatuloy ang pagpapatupad ng 50/50 work scheme ang PNP dahil sa pinalawig na Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus Bubble na magsisimula ngayong araw at magtatapos sa April 11,2021.
Sakop sa nasabing direktiba ay mga non uniformed personnel at mga buntis na pulis.
Ang nasabing memorandum ay pinirmahan ni The Deputy Chief of Directorial Staff Police Lt Gen Joselito Vera Cruz.
Suspendido pa rin ang pagsasagawa ng command visit o activities katulad ng flag raising, inauguration o anniversaries.
Hindi pa rin pwede gawin sa PNP ang face to face classroom instruction para sa lahat ng trainings at schoolings.
Maging ang movement o transfer at leave ng mga PNP personnel ay hindi muna pinapayagan.
Bawal pa rin ang face to face media interview at maging personal visit sa mga opisina at quartering units sa mga PNP camps at offices.