Ideniklara ni PNP chief General Camilo Cascolan na COVID- 19 free na ang Philippine National Police Academy (PNPA).
Ito’y matapos bisitahin ni Cascolan ang akademya kung saan binigyan siya ng Testimonial Parade at pinasinayaan din ang mga bagong proyekto at pasilidad na itinayo sa loob ng akademya.
Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 ang 1,098 na kadete at nasa 361 PNPA personnel.
Kahit COVID free na sa PNPA, ipinapatupad ngayon sa loob ng akademya ang virtual classes kung saan mananatili lamang sa kanilang mga barracks ang mga kadete habang gagamitin naman ng mga PNPA personnel ang visual classrooms na mayroong malaking monitor sa loob para sa online lecture.
Ang nasabing hakbang ay tugon para maging ligtas ang mga kadete at ang mga personnel ngayong nananatili pa rin sa COVID-19 pandemic ang bansa.