Ipinakita ng mga nagsipagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang kanilang suporta kay Police Regional Office 11 (Davao Regiona) Director, Brig. Gen. Nicolas Torre III.
Si Gen Torre III ay miyembro ng PNPA Tagapaglunsad Class of 1993.
Sa isang pahayag, kinondena ng mga PNPA graduate ang umano’y verbal na pag-atake ng isang ‘makapangyarihang pulitiko’ sa Davao City laban kay Torre.
Pagbibigay-diin ng grupo, kinokondena ng mga ito ang lahat ng porma ng pambubully, harassment, at pang-aabuso.
Nakatuon aniya ang Lakan Community sa pagbuo ng isang ligtas at inclusove na komyunidad kung saan mararamdaman ng bawat isa ang respeto at pagsuporta.
Hindi man nila pinangalanan ang ‘makapangyaring pulitiko’ ngunit maaalalang dati nang binanatan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ang heneral dahil sa ilang kadahilanan.
Kinabibilangan ito ng naunang reshuffling ng mga PNP personnel sa Davao City nang hindi ipinaalam sa alkalde at ang naunang pahayag ng heneral na minamanipula ang crime statistics sa Davao City.
Nangako ang mga PNPA graduate ng solidong suporta sa heneral na tinawag nilang ‘valued member’ ng naturang komunidad.