-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng PNPA na gagawin ng Face to Face ang Graduation Ceremony ng PNP Academy o PNPA sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite sa april 21 na dadaluhan mismo ni Pang. Rodrigo Duterte.

Muling isinagawa ang face-to-face graduation sa PNPA matapos ang dalawang taon. Ito’y dahil sa Covid-19 pandemic.

Kanina iniharap at ipinakilala na sa media ang top ten ng PNPA ALAB KALIS CLASS OF 2022.

Ang nasabing klase ay binubuo ng 266 graduating cadets.

Ang mga nasabing mga Kadete ay magiging opisyal ng PNP, BFP at BJMP.

Kabilang sa Top 10 ay ang Class Valedictorian na si 1. P/Cdt Ernie Padernilla, Passi City, Iloilo

  1. P/Cdt Regina Joy Caguioa, Taguig City
  2. P/Cdt Precious Lee ,San Juan City, MM
  3. P/Cdt Fidel Triste III, Palo, Leyte
  4. P/Cdt Geneva Flores, San Carlos City, Pangasinan
  5. P/Cdt Zoe Seloterio, Sta. Barbara, Iloilo
  6. F/Cdt Neil Navalta, Diffun. Quirino
  7. P/Cdt Mhar Viloria, Pugo, La Union
  8. J/Cdt Colynn Panganiban, Antipolo City
  9. P/CDT ALYSSA BANTASAN, Bauko Mt. Province
  10. Ang pamamahala sa PNPA ngayon ay nasa ilalim na ng PNP mula sa dating Phil. Public Safety College o PPSC.
  11. Sa kabilang dako, ayon kay PNPA Director, MGen. Alex Sampaga, malaking hamon para sa akademiya ang Covid-19 pandemic, gayunpaman kanila ito nalagpasan at maging ang mga kadete ay nakapag-adjust na rin sa online learning.