-- Advertisements --
PNPA

Naitala ng Philippine National Police Academy ang record-breaking na bilang ng mga kabataang pumasa sa eligibility ngayong taon, para makasama sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test (PNPACAT)

Ito ay matapos na umabot sa 37, 020 ang kabuuang bilang ng mga ito.

Ang kwalipikadong mga applikante ay mula sa 108,000 na kabataang nag sumite ng kanilang aplikasyon mula noong Enero-1 hanggang nitong hulyo-15, 2023.

Ayon kay PNPA Director Police Brigadier General Samuel Nacion, ito na ang pinakamaraming bilang ng mga kwalipikadong applikante sa kasaysayan ng Akademiya.

Mas mataas ito aniya ng 16% sa naitalang bilang noong 2022.

Kinilala naman ito ni Gen Nacion bilang kahanga-hangang ‘achievement’ ng Akademiya na aniya’y nagpapakita ng lumalaking bilang ng mga kabataan na nagnanais magsilbi sa bayan.

Sasabak naman ang mahigit 37,000 na kabataan sa susunod pang serye ng screening sa pamamagitan ng PNPA Cadet Admission Test na gaganapin sa 37 testing centers sa buong bansa.

Nakatakda ito sa Agosto-6 ng taong kasalukuyan.