-- Advertisements --

PNPA4

Isang Testimonial Parade and Review ang ipinagkaloob ng Philippine National Police Academy (PNPA) kay outgoing PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ngayong bisperas ng kanyang pagbaba sa pwesto.


Nakatakdang i-turn over ni Eleazar ang pamunuan ng PNP bukas kay incoming PNP Chief PLt. Gen. Dionardo Carlos, isang araw bago ang kanyang pagreretiro sa serbisyo sa Sabado.

Sa kanyang mensahe, hinamon ni Eleazar ang mga kadete na laging gawin ang pinakamahusay na magagawa sa anumang bagay na hindi makokompromiso ang kanilang karangalan at dignidad.

” It is not about how small a task or how frustrating that your hard work is not appreciated, it is the lessons that you would learn that would matter and would eventually become your rich source of experience and your source of strength for you to become a better leader,” pahayag ni Gen. Eleazar.

Ayon sa PNP Chief, ito ang prinsipyo na gumabay sa kanya sa mahigit 30 taon niyang pagseserbisyo sa bayan.

Hinimok din ni Eleazar ang mga kadete na panindigan ang mataas na inaasahan sa kanila ng mga mamayan, at magsumikap upang maging karapat-dapat at kahanga-hangang mga pinuno sa hinaharap.

” In the meantime, focus on your basic mandate of making the most of the money spent by the Filipino people as their scholars, of living up to the expectation of our kababayan for you to truly learn today in order to become worthy, excellent and inspiring leaders in the future,” mensahe ni Eleazar sa mga PNPA cadets.