-- Advertisements --

JPSCC7

Pina-plantsa na ng National Joint Peace Security and Coordinating Council (JPSCC) na binubuo ng PNP,AFP at Phil Coast Guard ang mga detalye sa ipatutupad na seguridad para sa nalalapit na 2022 national and local elections.


Ang Pre-Election meeting ay pinangunahan ni PNP Chief General Dionardo B Carlos, AFP chief of staff Lieutenant General Andres Centino at Admiral Leopoldo Laroya, Commandant, Philippine Coast Guard (PCG) kasama si Atty. Fritzie Claire-Caigoy, Division Chief, Judicial Records Divisions, Electoral Contests Adjudication Department, Commission of Election at iba pang opisyal ng PNP, AFP at PCG.

Sa nasabing pulong isang joint JPSCC Resolution ang pinirmahan ng PNP,AFP at PCG hinggil sa Joint JPSCC Cells, internal security at law enforcement operation.

Kapwa inilatag ng PNP,AFP at PCG ang kanilang paghahanda para sa halalan para matiyak sa publiko na magiging honest, orderly at peaceful ang 2022 elections.

JPSCC11

Samantala, sinimulan na ng PNP ang pagtukoy sa mga lugar na posibleng maging election hotspots.

Sa ngayon kasi bina validate na ng PNP ang election watchlist areas para sa gagawing strategic planning para sa law enforcement operations.

Binigyang-diin ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, na ang kanilang thrust sa pag perform ng kanilang duties para maging mapayapa ang halahan ay “Predict, Plan, Prepare, Practice, Perform Professionally.”

Sinabi ni Carlos na bukod sa ginagawang validation, nasa proseso na rin sila sa pag collate sa mga nakuhang impormasyon para matukoy ang mga lugar na nasa election watchlist areas (EWAs).

Sinabi ni Carlos na ang mga EWAs na lugar ay maari pa naman ito mabago na resulta sa kanilang ongoing validation.

Sa kabilang dako, ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba ang mga lugar ay mayruong color-coded category: Green for peaceful; Yellow for Areas of concern; Orange for Areas of Immediate Concern; at Red for Areas of Grave Concern.