-- Advertisements --

Naka self-isolate ngayon ang ikalawang pinaka mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) si PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) P/LtG. Joselito Vera Cruz.

Kinumpirma ni Vera Cruz sa Bombo Radyo na naka quarantine siya ngayon matapos makasalamuha ang isang pribadong indibidwal nuong Biyernes, December 31,2021 na nagpositibo sa COVID 19 virus.

” On quarantine pa din ako being a close contact of covid positive last Friday,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Sinabi ng Heneral na wala naman siyang nararamdaman na sintomas pwera na lamang sa sipon, pero nawala na rin ito.

Bukas, nakatakdang sumailalim sa RT-PCR test si Vera Cruz.

Ang pag self-isolate ni Vera Cruz ay bilang pag-iingat na rin.

” Self-isolate lang Anne. Wala naman may runny nose lang kanina pero nawala din mukhang allergy lang,” sagot ni Vera Cruz ng tanungin kung may sintomas siyang naramdaman.