Maaaring humingi ng extra subsidy sa Kongreso at gobyerno ang Philippine National Railway (PNR).
Sinabi ito ni PNR General Manager Junn Magno sa pagdinig ng fuel crisis ad hoc committee ng Kamara hinggil sa walang humpay na taas-presyo ngayon sa produktong petrolyo.
Ito ay upang matugunan aniya ang kanilang fuel requirement sa ikatlo at ika-apat na bahagi ng taong ito sakaling pumalo sa mahigit P62 kada litro ang presyo ng diesel.
Paliwanag ng opisyal, posible kasi silang kulangin kapag lumagpas pa sa Php56 hanggang Php60 ang presyi sa kada litro ng diesel dahilan kung bakit kinakailangan nitong humiling pa ng karagdagang subsidiya sa pamahalaan.
Kaiba kasi sa ibang mga railway system na kuryente gamit, diesel kasi gamit ng PNR para sa kanilang operasyon.
Magugunita na dati nang pinagbigyan ng Kongreso ang PNR na magsagawa ng MAP pricing sa nakalipas na dalawang taon kaya hindi pa ito masyadong apektado ng krisis sa produktong petrolyo sa ngayon.