-- Advertisements --

Maglalagay ng mga karatula ang pamunuan ng Philippine National Railways sa mga kinaroroonan ng mga bus na sasakyan ng mga pasaherong apektado ng pagsasara ng riles.

Sinabi ni PNR chairman Michael Ted Macapagal, na ang nasabing hakbang ay para hindi magkaroong kalituhan ang mga pasahero sa kanilang sasakyan.

Nais din nitong tiyakin na magiging mabilis ang biyahe ng mga pasahero at hindi magkakaroon ng aberya ang kanilang biyahe.

Magugunitang naglaan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB) ng mga bus na kukuha ng mga pasaherong naapektuhan ng pagsasara ng PNR.