-- Advertisements --
Balik-operasyon na ang Philippine National Railways (PNR) sa Bicol Region kasunod ng pagsususpinde ng serbisyo nito dahl sa malawakang pagbaha dulot ng Severe Tropical Storm Kristine sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur.
Nag-inspeksyon naman sa mga istasyon at linya ng PNR sa Bicol si Philippine national Railways (PNR) General Manager Deovanni S. Miranda.
Personal din nitong kinausap at kinumusta ang mga naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Makaaasa aniya ang mga Bicolano na ginagawa ng PNR ang lahat upang maibalik sa regular ang mga biyahe sa rehiyon sa lalong madaling panahon.