-- Advertisements --
image 302

Malapit nang isuspinde ng Philippine National Railways (PNR) ang serbisyo ng tren nito mula sa Gov. Pascual sa Lungsod ng Malabon hanggang Calamba, Laguna

Ito’y para mapabilis ang pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR) ng walong buwan at makatipid ng P15.18 bilyon.

Ginawa ni Department of Transportation ( DOTr) Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez ang ulat na kung saan inaasahang tatagal ng limang taon ang pagsuspinde sa serbisyo ng Philippine National Railways.

Aniya ang pagsuspinde sa serbisyo ng tren ng Philippine National Railways sa rutang Malabon-Calamba, kung saan ilalatag ang mga riles ng North-South Commuter Railway at itatayo ang mga poste, ay magpapabilis sa pagkumpleto ng proyekto at magbibigay-daan ang gobyerno na makatipid ng P15.18 bilyon.

Mas mababa ang gagastusin ng Department of Transportation sa pagkuha ng lupa at relokasyon ng mga utilities kung matatapos ang North-South Commuter Railway o NSCR.

Ito ay itinuturing na isa sa mga pinakabagong sistema ng tren sa Southeast Asia.

Sa target na makumpleto sa 2026, ang proyekto ng North-South Commuter Railway ay magtatayo ng mga ruta ng tren ng Tutuban-Clark International Airport at Tutuban-Calamba.