-- Advertisements --

Itinalaga si Philippine National Volleyball Federation head Ramon “Tats” Suzara bilang executive vice president ng International Volleyball Federation.

Sinabi nito na hindi mapapantayan ang kaniyang kasiyahan dahil sa pagtitiwala sa kaniya ng pederasyon.

Dahil dito aniya ay mabibigyan ang volleyball team ng bansa na umangat sa buong mundo.

Noong Setyembre rin ay inihalal siya bilang pangulo ng Asian Volleyball Confederation president.

Magsisilbi ito sa ilalim ni Fabio Azevedo ng Brazil na inihalal sa ginanap na 39th FIVB World Congress na ginanap sa Porto, Portugal noong nakaraang linggo.