-- Advertisements --

Nahalal bilang pangulo ng Asian Volleyball Confederation (AVC) si Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara.

Nakakuha ito ng kabuuang 48 na boto sa kabuuang 63 na boto kabilang ang 20 proxy votes.

Tinalo nito sa botohan si Qatar Volleyball Association president Ali Ghanim Al Kuwari.

Dahil dito ay mamumuno si Suzara ng AVC sa loob ng apat na taon.

Siya rin ang pang-siyam na pangulo ng AVC at pangalawang Pinoy na namuno.

Sa ilalim ng pamumuno ni Suzara ay nakuha ng Pilpinas ang hosting ng FIVB Men’s Volleyball Nations League, AVC Challenge Cup at FIVB Challenger’s Cup.

Sa susunod na taon ay magiging host ang Pilipinas sa Men’s Volleyball World Championship.