-- Advertisements --

Binawi na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang ipinataw nilang ‘persona non grata’ kay Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico.

Ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino na napagdesisyon ng kanilang board ang hakbang matapos na maayos na ang gusot ni Juico at pole vaulter EJ Obiena.

Noong nakaraang mga buwan kasi ay idineklara ng POC si Juico bilang ‘persona non grata’ matapos na hindi nila inindorso si Obiena na makasali sa SEA Games at sa World Indoor championship dahil umano sa pamemeke ni Obiena ng mga pirma sa liquidation nito sa budget ng coach ni Obiena.

Nakatakda ring suspendihin ng POC ang PATAFA subalit hindi na ito itinuloy sa board matapos ang pag-aayos.

Magugunitang pinamunuan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang pag-aayos nina Juico at Oibena.