-- Advertisements --
Iniurong ng Philippine Olympic Committee (POC) amg petsa ng kanilang unang General Assembly sa taong ito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni POC president Abraham Tolentino na gagawin na lamang ito sa Enero 25 imbes na sa dating Enero 12.
Gaganapin pa rin ito sa Grandmaster Hotel sa lungsod ng Tagaytay.
Ayaw aniya nilang ilagay sa kapahamakan ang kalusugan ng kanilang miyembro na dadalo sa nasabing pagpupulong.
Ilan sa mga nakatakdang pag-uusapan sa pulong ay ang pagsaaayos sa gusot ni pole vaulter EJ Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico.