-- Advertisements --

Hahawakan na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Billiard Sports Confederation of the Philippines (BSCP).

Ito ay matapos na suspendihin ng Asian Confederation of Billiard Sports (ACBS) ang BSCP dahil sa maraming mga paglabag.

Sa sulat ng ASBC sa POC sa pamamagitan ni secretary-general Atty. Wharton Chan, na dapat ay bumuo sila ng disciplinary committee para imbestigahan ang ilang mga paglabag.

Ilan sa mga nakitang paglabag ay ang conflict of interes, bigong magsagawa ng halalan, hindi pag-alaga sa mga billiard athletes at ang pagsasagawa ng torneo na hindi aprubado mula sa Asian o world governing bodies.

Inatasan na rin ng Asian Confederation of Billiard Sports (ACBS) ang POC na bumuo ng manlalaro pa ra lumahok sa internatioanl tournamnents gaya sa World Games sa Chengdu-China na gaganapin sa Agosto 7 hanggang 17.