Ikinatuwa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagprioridad ng national government na maturukan ng COVID-19 vaccine ang mga national athletes at mga coaches.
Nasa walong atletang Pinoy na ang kuwalipikado na sa Olympics kung saan tanging si Filipino boxer Eumir Felix Marcial ang nabigyan ng dalawang doses ng bakuna habang ang weightlifter na si Hidilyn Diaz ay unang dose lamang ng bakuna noong ito ay nagsasanay sa Malaysia.
Target din kasi ng POC na magpadala ng 626 na atleta para sa Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam sa darating na Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
Magugunitang inilagay ng national governmet sa Priority Group A4 ang mga national athletes na sasabak sa mga international games at pinayagan na rin nila ang pagsasagawa bubble-type training ng mga atleta.