Nag-alok ang Philippine Olympic Committee (POC) ng advanced training package sa mga atletang Filipino na kuwalipikado sa Paris 2024 Olympics.
Sinabi ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na naaprubahan na ng kanilang executive board ang advanced Paris Training program.
Sasagutin aniya ng POC ang gastusin na aabot sa P3,900 kada araw sa mga qualified athlete kapag nasa Paris na para sa Olympics na magaganap mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11.
Ang lugar kung saan sila puwede magsanay ay matatagpuan ay La Moselle sa Paris.
Malalaman na lamang nila ang kabuuang gastusin kapag mailabas ang buong listahan ng mga Filipino na kuwalipikado sa 2024 Paris Olympics na posibleng malaman sa susunod na taon.
Maaring abunohan muna ng POC ang gastusin pero kanilang irereimburse ang halagang P100 milyon na inilaan ng Philippine Sports Commission.