-- Advertisements --

Isinama pa rin ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino sa line-up ng mga manlalaro na sasabak sa Southeast Asian Games si pole vaulter EJ Obiena.

Kasunod ito sa pagtanggal ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kay Obiena sa mga listahan ng mga atleta na maglalaro sa nasabing torneo na

Sinabi ni Tolentino na ang POC mismo ang mayroong huling desisyon sa mga listahan ng mga atletang maglalaro sa SEA Games.

Kasama nitong nasa listahan ang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.

Magugunitang ikinagalit ng POC ang pagpaparating ng PATAFA sa Court of Arbitration for Sport (CAS) ang reklamo nila kay Obiena dahil umano sa pamemeke ng mga pirma sa liquidation papers nito.