-- Advertisements --
Nakahanda na ang 22- ateta ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, naniniwala ito na mahihigitan ngayong taon ng mga atleta ang mahahakot na medalya kumpara noong nagdaang sinalihang Olympics.
Ang mga atleta ng bansa na sasabak sa athletics, boxing, golf, fencing, gymnastics, judo, rowing, swimming at weightlifting ay kasalukuyang nasa training camp sa Metz, France.
Ipinagmalaki nito na maganda ang nagiging resulta sa traning camps kung saan mas lalong mahahasa ang kanilang galing habang papalapit na ang Olympics sa darating na Hulyo 26.