-- Advertisements --

Itinalaga ng Philippine Olympic Committee si PBA Chairman Ricky Vargas bilang magiging chef de mission ng Los Angeles 2028 Olympics.

Isinagawa ang pagtatalaga sa ginawang kauna-unahang general assembly ng POC.

Habang si Dr. Jose Raul Canlas ay itinalaga na mamuno sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand.

Ilan sa mga itinalaga ay si Al Panlilio na mangangasiw ng Aichi-Nagoya 2026 Asian Games habang si Represetatives Richard Gomez ay siyang bahala sa Milano Cortina 2026 Winter Olympics at si Stephen Arapoc naman ay itinalaga sa Chengdu 2025 World Games.

Si Richard Lim ng Karate ay chef de mission ng Asian Winter Games sa Harbin na magsisimula sa Pebrero 7 hanggang 14.

Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na mahalaga ang maging handa ng maaga para walang magiging palusot sa mga performances ng mga atleta ng bansa.