-- Advertisements --

Nakatakdang mamigay ng libreng bisikleta ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa mga atletang Pilipino para kanilang magamit sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.

Ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino, sisiguruhin nito na maaaprubahan ng baord ang 100 units ng bisikleta.

“National athletes who do not have a personal mode of transportation will surely benefit from this. Bicycling is not only a healthy way to get from one point to another, it also promotes social distancing, not to mention a means to avoid traffic,” wika ni Tolentino, na pangulo rin ng national sports association ng cycling.

Kinakailangan lamang daw na mag-apply ng mga interesadong atleta sa POC, pero ilalaan naman ang mga bisikleta sa mga atletang mas nangangailangan.

“We need to be innovative, so the POC is looking for ways to allow our athletes to stay fit and ready for competition once the situation allows it,” dagdag ni Tolentino.