-- Advertisements --
Pormal na kinilala na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Electronic Sports Organization (PESO) bilang offiicial National Sports Association (NSA) ng esports sa bansa.
Ang hakbang na ito ay dahil sa napipintong pagbabalik ng esports sa SEA Games sa susunod na taon.
Binubuo ng PESO member-organization ng Bren Esports, Gariath Concepts, Mineski Philippines, The Nationals, PlayBook Esports, Tier One Entertainment, TV5 at TNC Holdings.
Pinasalamatan naman ni PESO President Brian Lim ang POC dahil sa pagtitiwala sa kanila at ang pagbibigay suporta sa mga atleta.
Dumaan kasi sa matiding accreditation process sa POC ang PESO bago ito tuluyang kilalanin bilang sporting body ng esports.